dead end
Friday, October 19th, 2007hindi naman talaga ako magpo-post ng blog,,,at wala din akong intensyon na mag-internet,,,dapat kasi didiretso ako sa laundry shop,,kukunin ang mga pinalabhan kong mga damit mga dalawang araw na ang nakakaraan,,,ang kaso napadaan ako dito sa computer core,,ayun,,napatipa tuloy sa keyboard…
halos isang taon at apat na bwang ka ring nawala sa sirkulo ng mga taong nagiisa,,,akala mo katapusan na ng sumpa na hindi ka na magkakaboyfriend o ang sumpang talagang walang may gusto sayo,,,naisip mo na masarap din pala ang may kapareha,,,ang sweet sweet nyo akala mo wala ng bukas,,,pero ngayon eto ka na lang ngiisa,,,kahit sa computer shop na dinaanan mo,,,ikaw lang magisa,,,kaya malaya ka ngang nakakatipa sa keyboard ng computer no. 13 eh,,,kasi baka pag may kasama ka,,mahihiya ka pakita ang ginagawa mo na sumusulat ka ng madamdaming paglalahad tungkol sa buhay mo at ang nangyari sayo nitong mga nakaraang araw at buwan,,,
mabalik tayo,,, oo,, isa na ko ulet sa grupo ng mga single,,,iniisip ko shet ngiisa na naman ako,,, parang hindi ko na lam kung pano ulet maging ganito… naiiinis ako kapag naaalala ko ang mga ginagawa natin noong una,,, ang paghawak ko sa tyan mo, na ayaw mo pahawak kasi nahihiya ka dahil mataba ka,,, hindi ka nman mataba eh,,chubby lang,,, alam mo bang yun yung nagustuhan ko sayo, ang sarap mo kasi yakapin,,,at namimiss ko yung yakap na ganun,,,minsan nga pingpapraktisan ko yung ka-opisina kong mataba eh,,,baka sakaling katulad din ng yakap ko seo,,, kaso iba pa din ikaw… ayaw mo nun maniwala skin, na ok lang na ganyan ang katawan mo,,, hanggang ngaun, akala mo pa din, ayoko sa tulad mo,,, nalulungkot ako, kapag alam kong hindi mo nagawa ang lahat para sakin, na mas pinili mong mahalin na lang ang sarili mo kaysa sa akin,,, siguro nga hindi mo ko ganun kamahal,,,tanga tanga ko kasi,,,alam kong yun na lang yung natitira sa akin na pagmamahal ibinigay ko pa sayo,, sasaktan mo lang din pla ko,,,kinalimutan ko ang sarili ko para sayo,,, alam mo ba yun? nagmukhang tanga sa madaming tao…naaalala ko pa nung isang bebes na pinakawalan mo ko, pauwi ako nun, galing trabaho, sumakay ako ng bus tapos umiyak ako ng umiyak,,,halos humahagulol kasi di ko kya ng wala ka,,,nagmukha akong parang baliw at tanga sa madaming tao,,,halos ubusin ko na nga ang tissue ng katabi ko,,, buti na lang naiintindihan nya ko,,,
wait,,,(nakakainis may dumating) ,,nahinto tuloy ang pagdadrama ko,,, tuloy tuloy pa naman ang utak ko sa pagbibigay ng mga salitang naaayon para sa essay na to,,, kainis,,, (makikinig muna ko ng Dang sein-eun)
ok na,,, tuloy,,, akala ko ba mahal mo ko? bakit nagagawa mo kong iwan sa mga panahong kailangang kailangan kita? mahal ba yung hindi mo ko kayang harapin o kausapin? mahal ba yung pinagiintay mo ko palagi lalo na nung 1 year and 4 mos. anniv. natin? mahal ba yung nakakalimutan mo ang mga responsibilidad mo? mahal ba yung palagi mo ng nakakalimutan na sabihing mahal mo ko? mahal ba yung ilang beses ka na ring naglihim sakin? mahal ba yung kahit sa pamilya mo hindi mo ko mapaglaban? mahal ba yung nakakayanan mong hindi ako makausap ng isang bwan, dalawang bwan o tatlo dahil break tyo? ni hindi mo nga nabanggit na gusto mo kong bumalik sa buhay mo…palagi ka na lang pahaging,,,hindi nman ako manghuhula para malaman lahat ng nasa isip mo… mahal ba yun? sagutin mo ko? di ba sabi ko sayo wag mo ko bibitawan?… ilang beses ko na ring nasabi seo yun,,,palagi mo pa din akong pinapakawalan,,,
hindi ko alam kung san tutungo ang buhay ko ngayon,,, para kong nalulunod,,, parang puputok lagi ang puso ko,,, minsan kahit ngayon sa pagsusulat ko na to,,,naiiyak pa din ako,,,naaalala ang mga nakaraan,,,
tama nga siguro sila,,,dapat ko na ngang isipin ang "pagpapatuloy" at pagharap sa buhay ko,,, ng wala ka,,,sayo ko lang nakita ang buhay ko,,, ang magplano ng isang buong pamilya,,,"ang tumira sa tagaytay at magkaroon ng botique at restaurant kasama ka",,,natatandaan mo?hindi ko na ulet alam kung makikita ko pa ba talaga yung taong para sakin,,,
ganun pa man ang nangyari satin,,,tanggap ko ang lahat,,,kahit sa huli nating paguusap,,nasaktan mo pa din ako,,,kung napansin mo, hindi ako tumitingin sa mukha mo, buong paguusap natin,,ayoko maalala mukha mo,,,mas masasaktan ako kung tatatak ka pa sa kokote ko,,,
hanggang dito na lang,,,baka sarado na yung laundry shop,,, baka di ko maabutan,,, dumami na din yung tao,,,nahihiya na ko,,,
"Nais kong… Sumigaw palabas at sasabihin sa iyo ang lahat…
Tumakbo palayo at iiwanan na ang alaala mo…At kung hindi na babalik ..Sana sa paggising ko ay wala na…Ang nadaramang sakit At kung hindi na babalik …Ipipilit sa sarili na hindi ako nagkamali"
katapusan…