Thursday, February 15th, 2007
Noong inlove ka pa…
>Ang sarap ng in-love. Sa unang beses niyo mag-date tapos naramdaman niyo
> ang sinasabi nilang “spark” nako, magkaharap pa kayo naiisip mo na ang
>bukas
> Para matawagan mo na siya at maayang makipag-date ulit, pero sa susunod
> kayong dalawa na lang. Hindi ka mapakali pag wala siya sa tabi mo o
>hindi
> mo siya nakakausap sa isang araw, sigurado at sigurado tatawagan mo siya
>sa
> opisina, sa bahay at pag wala doon maglo-load ka sa cellphone mo at
>uubusuin
> ang 300 na prepaid sa loob ng isang tawag na wala naman ibang laman kundi
> bungisngis, kamustahan at kuento tungkol sa lahat ng sama ng loob mo sa
>mga
> ex mo. At ang goodbye sa telepono ay nde matapos-tapos, hindi niyo
>malaman
> kung sino ang unang magbababa at umaasa kang me “Take care” sa huli. Me
> email pa yan sa umaga para masabi mo sa kanya na masaya ka na
>nakapag-usap kayo.
>
> Minsang gumimik kayo at upbeat ang sounds, hala! sayaw ka kahit parehong
> Kaliwa nag mga paa mo, pero gusto niyang sumayaw kaya sige sasayaw ka na
> rin. Kahit ilang mule, arctic at sub-zero ang orderin niya wala kang
> pakialam, mas mabuti nga kse nga puede mo na siyang akbayan at I-hug pag
> medio lasing na siya, pag hindi siya pumalag nako! score! para kang nasa
> langit. Malamang, matapos mo siyang ma-hug eh ayaw mo nang maligo at
>lagi
> mong naaalala ang scent ng pabango niya na me halong amoy alcohol na pero
> para sa yo mabango pa din siya. At siempre tuwing matapos kayong gumimik
>eh
> ayaw mo pa rin matapos ang gabi kaya hihirit ka pa ng coffee, kahit
>isandaan
> ang isang baso, “So what?!?” kamo, pera lang yan ang importante kasama mo
> siya. Masaya ka rin pag na-traffic kayo kse makakapagkuentuhan pa kayo
> pauwi. Matiyaga mong inaral ang pagda-drive ng manual gamit lang ang
>isang
> kamay kse yun isa hawak yun kamay niya o nakadantay sa hita niya habang
> nagmamaneho ka.
>
> Araw-araw magmamakaawa ka na ihatid mo siya at kung puede ka rin niyang
> Ihatid pauwi, at kung lulusot baka pati lunch eh puede na rin na kayo ang
> maging lunchmates. Pag me free time ka eh nasa bookstore ka para
>nagtingin
> ng mga puedeng ibigay na greeting cards. Nakalimutan mo na ang barkada
>mo,
> para sa yo malaking abala lang sila sa napakagandang lovelife mo
>kesehodang
> magtampo pa sila sa yo at magsolian na kayo ng kandila sa inaanak mo sa
> kanila. At kung aalis man kayo nde ka magkasya sa pagte-text lang sa lab
>mo,
> kelangan mong pumunta sa banyo para lang magkarinigan kayo pag tinawagan
>mo
> siya at sabihin na nde ka nag-eenjoy at mas gusto mo na siya ang kasama.
> Pagdating ng weekend nako para kang intsik! alas dies pa lang ng umaga
>nasa
> kanila ka na at me dalang suhol na breakfast para sa nanay niyang
> nakasimangot dahil natutulog pa ang anak niya eh andun ka na. Pagdating
>ng
> gabi kahit antok na antok na siya eh ayaw mo pa ring umuwi, hinihintay
>mong
> makatulog siya sa mga bisig mo para makanakaw ka ulit ng kiss. Iniisip
>mo
> rin kung kelan ka kaya niya ipapakilala sa friends niya?
>
> Nung kayo na, lahat ng monthsary ice-celebrate niyo, me kasama pang
>surprise
> na regalo at date. At nde miminsan mong nabanggit na gusto mo na siyang
> Pakasalan at wala nang ibang babae sa puso at wala ka nang makikita na
> katulad niya.
>
>
> AFTER ONE YEAR
>
>
>
> Mahal ang gimik sa bar, mas maganda kung kakain na lang kayo sa Jollibee
>at manonood ng sine.
> Wag na kayo magkape, masyadong mahal with matching comment na “Leche, me
>ginto ba yan?”
> Mas gusto mo nang kasama barkada mo dahil “minsan” lang kayo magkita sa
>isang linggo.
> Pgakahatid mo sa kanya, nagmamadali kang umuwi sa gabi dahil pagod ka na
>sa trabaho.
> Pumapasok at umuuwi na siya mag-isa dahil nde mo siya masusundo dahil
>puyat ka.
> Syet! wag ka niyang pipiliting sumayaw at nakakahiya.
> Anong tawag? Sa load mong 300, mauubos yun at 1 beses mo lang tinext
>(against 245 na text niya sa yo)
> at 3 minutes mo siyang natawagan. Naubos ang load mo kakatawag sa mga
> barkada mo at kaka forward ng joke sa kanila.
> Pag weekend mas gusto mong manood na lang ng TV o matulog. Pupunta ka
>lang
> Pag tumawag na siya at nagmamakaawang dalawin mo naman siya at me suhol
>na ipinagluto ka niya.
> Kahit automatic na kotse mo nde mo pa rin makuhang hawakan ang kamay niya
>habang namamaneho ka.
> Magastos ang mga monthsary, kung anniversary niyo nga eh wala kang
>regalo, monthsary pa?!?
> Mag-uusap kayo? Baket me problema ba? Kung wala, isang oras kang manonood
>ng
> TV habang siya eh nakatutulog na kahihintay na kausapin mo siya.
> Miss na niyang ini-email mo siya,sagot mo? “Jusko naman araw-araw na
>Tayong nag-uusap ano pa ba naman ang
> sasabihin ko sa yo? Baka gusto mo pa ng card?!?”
> Pag aayain ka niya para gumimik with her friends ang sagot mo? “Utang na
> loob, kung gusto mong lumabas kasama friends mo ikaw na lang mag-isa at
>naiilang ako.”
> Pero pag lalabas kayo with your friends umiinit ulo mo pag tahimik siya
>pag
> nagjo-joke sila tungkol sa inyo ng ex mo sabay tanong “Nde ka ba
>nag-eenjoy? Buiset, umuwi na nga lang tayo!”
> At tungkol naman sa kasal…”Jusko naman, nde mo ba ako maintindihan?!?
>Wala
> pa akong pera saka nde ko maiisip yan ngayon! Sana wag ka namang
>makulit.”
> Sa lahat ng ito, ngingiti na lang siya, iisipin lahat ng ginagawa mo
>noong
> nanliligaw ka pa malamang umaasa pa yun na babalik yun dati sabay
> buntung-hininga at sabi ng malakas…”Kay sarap ng in-love.”
(written by a guy,,,one of the astig na artik dat ive read)